"I DON'T see any reason for me to refuse this business offer," pahayag ni Orion. "We have just started the outer garment operation sa bagong tayong pabrika ng DT&C. Iilan pa lang sa ngayon ang tumatakbong production sewing lines. Maliliit na bulto pa lang kasi ng job orders ang pumapasok kaya nangangailangan talaga kami ng potential buyers." We were now having our wine, coffee and dessert. Hindi ako gaanong nakakain sa dinner kaya binabawi ko na lang sa wine at sa chocolate truffles sa harapan ko. Nanghihinayang ako. First time ko sanang matitikman ang mga ganoong kamahal at kasarap na pagkain, pero ni isa sa menu ay wala akong na-enjoy. Naglaway pa ako sa wagyu beef at lamb shank ng restaurant kaya lang ay may sariling desisyon ang tiyan ko. Ayaw nitong tanggapin ang mga pagkain sa dahi

