GAYA ng sabi ng abogado, lumaya ako sa araw ding iyon. Ito at si Mama Rowan din ang sumundo sa akin. Sa isang hotel naman ako dinala at pinatuloy ni Mama Rowan dahil iyon ang hiling ko sa kaniya. Gusto kong mapag-isa dahil kailangan kong mag-isip. Hindi ko iyon nagawa habang nasa loob ng selda. Bukod sa maligalig ang isip at damdamin ko, nahirapan din ako sa naging sitwasyon ko sa kulungan. "Sadly, hindi na na-recover ng mga pulis ang cellphone mo, but I already asked my assistant to buy you a new phone at mamaya ay dadalhin na niya 'yon rito. Gusto kong nakakausap kita palagi para kapag may kailangan ka, masabi mo rin sa akin. Baka maisipan mo rin na tawagan si Orion para ipaalam kung nasaan ka." Mariin akong umiling. Mula sa pagkakakulong hanggang sa paglaya ko, wala akong narinig mul

