PINAGSISIHAN ko ang mga sinabi ko kay Orion. Naisip ko, masyado akong nagpadala sa galit at sama ng loob. Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. "Ma..." "Yes, Hija?" "Gusto ko na pong umuwi. Gusto kong makipagkasundo kay Orion." "Are you sure, Hija?" "Oo, Mama. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Handa akong patawarin siya, magkaayos lang kaming dalawa." Buo na ang pasya ko, pero hindi ganoon ang nangyari. Nakauwi nga ako sa bahay, pero wala roon si Orion. Umalis ito at walang nakakaalam kung saan nagpunta. Nabalot ako ng lungkot at pag-alala. Dumaan ang mga araw at walang tigil ang pagtawag ko sa number niya, pero hindi ko siya ma-contact. Kaya naman si Mama Rowan at sa sekretaryang si Michelle ang parati kong inaabala. Nagbabakasakali ako na nakausap

