NAGULAT ako nang kay aga-aga ay binulabog ako ni Maricar sa aking condo. Sinenyasan ko ito na h'wag masyadong maingay dahil may natutulog pa sa kabilang kwarto. "Ano bang meron? Hindi mo ba alam na Lunes ngayon? It's my rest day." "I know. Pasensiya! Hindi ko na kasi kayang maghintay pa ng bukas. Guess who called me this morning?" "Sino?" tanong ko. Lumawak ang ngiti niya. Kinabahan tuloy ako nang husto lalo na at dinahan-dahan pa ni Maricar ang pagsasabi ng balita. "Well... I just received a call from Lady Kim's assistant... and he said that....your designs stirred the interest of his boss." Namilog ang mga mata ko. Pero bago ako nakapagsalita ay sinundan pa ni Maricar ang balita. "At alam mo kung ano ang pinakanakakakilig sa mga sinabi ng assistant? Gosh, Vic! Gusto raw ni Lady

