"ARE you going to tell her?" tanong ni Uncle Rei. Tumango ako at marahang nagbuga ng hangin. Nakauwi na ako ng Davao City. Imbes na sa condo, sa bahay niya ako dumirecho. Umalis daw sina Michael at ang mag-iina nito dahil may binisitang kamag-anak ni Chynna. Wala din doon si Audrey dahil pumasok na ito sa school at kanina pa hinatid ni Teresa. Pinaghanda ako ng pagkain ng kasambahay ni Uncle, pero wala akong kagana-gana. Balisa ako at kinakabahan. Mula kagabi ay hindi na ako natahimik sa kakaisip kung anong gagawin ko sa mga bagay na hindi pa nangyayari pero kinatatakutan ko. "Handa na ba ang kalooban mo?" "Kailangan, Uncle. Ito lang kasi ang naiisip kong paraan. Hindi ako umaasa na maiintindihan ako ni Audrey o hindi sasama ang loob niya sa akin. Ang sa akin lang, ako na mismo ang

