PAMILYAR ang daan na tinatahak ng sasakyan ni Orion. May kutob na ako kung saan kami papunta. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Matagal na panahon na rin mula nang lisanin ko ang bahay na minsang naging saksi sa pagmamahalan naming dalawa. "Dito ka pa rin ba... nakatira?" tanong ko, may lungkot at panghihinayang sa dibdib. "No. I just have it maintained." Bumaba na rin ako pagkababa ni Orion. Nilinga ko ang paligid. Pinagmasdan ko ulit ang bahay. Parang wala ngang nagbago. It is as beautiful as before. Simple at hindi kalakihan, pero moderno ang pagkakayari. "It's been a while. Buhay pa rin itong bahay..." In my mind, I thank Orion that the house is being maintained. Pakiramdam ko, hindi niya lubos na tinatapon ang mga pinagsamahan namin. "I didn't changed anything even

