"WALA siyang ibang sinabi sa'yo? Hindi man lang ba humingi ng tawad?" Umiling ako. Umaga na at kausap ko sa terrace si Uncle Rei. Pinag-uusapan namin ang nangyari kagabi. Although hindi ko na binanggit na dinala ako ni Orion sa hotel. Sinabi ko lang na nag-usap kami sa labas ng bahay dahil nasundan ako nito. "At ang sabi mo paulit-ulit lang ang tanong niya?" May pagtataka sa imahe ni Uncle Rei na ipinagtataka ko rin. He frowned. "What if he didn't know anything about it? Kaya gano'n lang ang reaksiyon niya." "Hindi niya alam? Uncle, kaibigan niya 'yong taong ibinintang sa akin ang pagkamatay. Imposibleng hindi nakarating sa kaniya ang balita. Isa pa, paanong hindi niya alam, pero alam ng nanay niya?" Nagkibit ng balikat si Uncle Rei. "Ewan ko, Victoria. I just thought about it base sa

