HER eyes widened. Umahon ang takot sa reaksiyon ni Mama. "W-what?" "Hindi totoong sa isang kakilala ko nalaman na nakulong si Victoria kundi sa kaniya mismo." "H-hijo-" "Marami pa sana akong gustong linawin gaya ng video na ipinakita mo kay Victoria, pero hindi na 'yon mahalaga. Alam ko na ngayon ang totoo." "Mas naniniwala ka pa sa babaeng nanakit at nang-iwan sa'yo kaysa sa akin na nanay mo?" she asked, teary-eyed. "Alam mo ang sagot diyan, Ma. You know who's telling the truth and who is not. I am choosing the truth." "Orion, I'm just protecting you. Hindi ka mahal ng babaeng 'yon." "Problema ko na 'yon kaya please, tigilan mo na kami!" pagdiriin ko. "Tama na ang palabas. Tama na ang mga kasinungalingan mo. Tama na ang pagpapaikot mo sa'min!" Tumalikod na ako para lumabas. "H'wa

