GLAMOROSO at makulay ang katatapos lang na fashion show na dinaluhan ko sa gabing iyon. I was invited by a friend who is also a designer. Ipinagmamalaki nito ang pinakabagong summer collection. "Congratulations, Yuki! Wow! Just another successful show! Nakaka-proud!" "Thank you, Vic! Ang thank you for coming! Alam kong busy ka at, hmm... mas dapat yata akong ma-proud sa achievement mo. Ikaw na ang maging top designer ni Lady Kim. Sinabi ko na sa'yo noon, hindi magtatagal makikilala ang mga gawa mo. And it happens!" "Thank you. Ewan ko ba, sinuswerte lang ba ako or ano? Pero nagpapasalamat talaga ako kay Lady Kim sa tiwalang ibinigay niya." Bukod kay Yuki, may iba pa akong nakakwentuhan na kapwa ko fashion designers based in Mindanao. May mga nakilala rin ako na galing sa Maynila. I am

