GUSTO kong maglaho sa kinauupuan ko. Gusto kong umalis na lang, pero hindi ko magawa dahil nagsisimula nang pumintig ang ulo ko sa sakit at hindi ko sigurado kung kakayanin kong magmaneho pauwi. Nakaalis na kami kanina pa, pero ang hindi pa naaalis ay ang matinding kahihiyang naramdaman ko. Nito ko na lang din naramdaman ang pagsakit ng ginamit kong kamao. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko. Kung hindi dumating si Orion, baka namamaga na ngayon ang mukha ko dahil tingin ko kanina ay sasaktan talaga ako ng lalakeng sinuntok ko. Magpasalamat talaga ako at kilala ng babaeng kasama nito si Orion. Nadaan ang lalake sa pakiusap na h'wag na akong patulan dahil halata naman daw na lasing ako at wala sa tamang huwisyo. Umalis na lang ang dalawa at naiwan kami ni Orion. Naramdam

