IKINALMA ko ang sarili para makapag-isip nang maayos. Victoria has all the reasons to call it quits, at kahit hindi niya isa-isahin ang mga dahilan, alam ko kung bakit. Aside from the fact that she knows I am infertile, I'm sure she thinks I'm not good enough for her. I wasn't able to fulfill my duties as a husband. Bukod sa ako ang dahilan ng lahat ng paghihirap niya, wala ako sa tabi niya sa mga panahong takot na takot siya at ako lang ang kaniyang sandalan. At pagkatapos ng mga ipinagtapat ko na mga ginawa ni Mama, hindi ko siya masisisi kung nawalan na siya ng tiwala at kumpiyansa sa akin bilang asawa. Siguradong ayaw na rin niyang magkaroon ng kaugnayan sa nanay ko kaya gusto niyang putulin na ang natitirang kaugnayan namin sa isa't isa. Mahirap ang pinagdaanan ko, pero mas mahira

