SABADO. May ilang trabaho na plano kong tapusin bago dumating ang araw ng Linggo at ang rest day ko kaya inagahan ko talaga ang alis ng condo. Inihatid ko muna sina Audrey at Teresa sa bahay ni Uncle Rei. Sandali akong nakipagkwentuhan kina Michael at Chynna at pagkatapos ay dumirecho na agad sa office. Tutok man sa trabaho, hindi ko pa rin maiwasang maalala si Orion at ang mga sinabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung pupunta siya sa araw na 'yon. Pagkatapos ng mga sinabi ko, baka hindi na niya maisip bumalik. Gayunman ay madalas pa rin akong napapatingin sa pinto ng office ko at ng mismong shop sa tuwing magbubukas ang mga iyon sa pag-aakalang siya na ang dumating. Pero hanggang sa matapos ang buong araw ko sa opisina ay walang Orion na nagpakita. Hati ang damdamin ko ukol sa bagay na i

