Chapter 90: Unveiling The Truth “Good to see you again, Victoria. ‘Till next time,” naghandshake kami ni Dylan. “And of course, you too, Don Julio. Be careful next time,” pagpapaalala ni Dylan kay Don Julio at naglamano din sila. Natawa si Don Julio. “I can’t promise you that,” humalakhak si Dylan. “Oh, God, Don Julio,” sabay iling Pumwesto ako sa likuran ng wheelchair ni Don Julio. “Mauuna na kami Dr. Dylan. Sa susunod ulit na check up namin,” pagpapaalam ko sa kanya. “Sure, sure. Bantayan mo ng maigi si Don Julio ha?” pagpapaalala niya pa. Lumabas na kami ni Don Julio sa loob ng room ni Dylan. Habang tinutulak ko ang kanyang wheelchair papaalis, nakamasid lang sa amin nang maigi ang tatlo niyang bodyguards. Hindi maiwasan na pagtinginan kami ng mga taong nakakasalamuha