Chapter 91: Pinapainggit Kinabukasan, araw ng Linggo. Napag-isipan ni Don Julio na gawin itong family day naming tatlo — ako, siya, at ang ang bata. Sa katunayan niyan, wala pa kaming naiisip na pangalan para sa bata. Pero hindi namin minamadali ang bagay bagay dahil lahat ng kaganapan sa aming buhay ay may takdang oras talaga na dapat matatapos. Nasa sa amin na ‘yun kung gusto naming matapos agad o kung hayaan ang tadhana na magtulak sa amin upang wakasan lahat. Pero sa ngayon, inienjoy muna namin ni Don Julio ang pagiging ama at ina ng bata. Napaupo ako sa tabi ni Don Julio habang pinagmamasdan ang bata. “Did you sleep last night?” he kissed me on my cheeks. May ngiti sa labi akong lumingon sa kanya. “Hindi masyado. Ikaw?” Napangiti rin sya. “Same. Dito tayo natulog