Chapter 92: Mainit Na Tagpo “Love?” Napahawak ako sa aking dibdib sa pagharap ko sa kanya. Labis akong nagulat nang sambitin niya ang endearment na tinatawag nya sa akin. Tapos baritono pa ang kanyang boses. Akala ko kapre ang tumatawag sa akin. “Bakit ka andito? ‘Di ba umuwi ka na kanina?” mahina kong tanong sa kanya. Napakamot sya sa kanyang batok at napadila sa kanyang labi. “Bumalik ako,” huminto sya sa pagsasalita. Hinawakan niya ang aking baywang at diretsong nakatitig sa aking mga mata. “Bumalik ako para suyuin mo,” kagat labi niyang anas. Napailing ako. Inalis ko ang kanyang kamay mula sa pagkakalingkis sa aking bewang. “Suyuin? Ikaw?” natawa ako ng mahina. “Flavio, pwede ba. Magpasalamat ka nga at hindi kita sinampal kanina sa harap ng ama mo,” Naglungkot-l