Chapter 87: Falling In Love? Or Part Of Her Plan? Bumitiw sa pagkakayakap si Flavio sa akin. Panandalian kaming nagkatitigan. Ang mga titig na ipinapakita niya sa akin ay ang mga titig na binibigay niya sa akin sa tuwing inaararo niya ako noon. May kung anong sumampal sa aking utak na biglang nagpabuhay sa mga masasakit na ala-ala na iniwan sa akin ni Flavio. Nainis ako. Napakuyom ako sa aking kamao bigla. Napatingin ako sa kanyang labi at napaiwas ng tingin. Ngunit biglang hinawakan ni Flavio ang aking panga. “L-Love,” nanginginig niyang sambit sa endearment niya sa akin noon. Tumaas baba ang kanyang Adam’s apple sa paglunok niya. Huminga sya ng malalim. “Love,” ikalawa niyang sambit sa akin. Halos mapaso ako sa init ng kanyang hininga. Naging mapungay ang kan