Chapter 88: Going Back Home Sinundo kami ng mga family life guard rescuers ng mga Hernandez. Gamit ang malaking yate. Nung una, natakaot ako dahil yate na naman ang aming sasakyan. Pero ipinaliwanag sa akin ng head ng life guard rescuers na safe at dinouble check nila ang yate bago gamitin. Nakisawsaw ako sa kanilang usapin at tinanong sila kung may lead ba sila sa pagsabog ng yate. Kung sino ba ang nasa likod nito at kung bakit ginawa. Pero tikom ang kanilang bibig. Tanging sagot lang nila ay hindi nila alam. Nakakainis mang pakinggang pero hinayaan ko na lang. Inabutan ako ni Flavio ng mainit na tsokolate. Nasa kwarto kami ng yate. Nakatapis ako ng bata de roba. At sya naman, kakatapos lang niyang maligo at nagtapis lang ng tuwalya sa baywang niya. Umupo si Fla