Chapter 37: First Base Sa isang kisapmata ay magkasugpong na ang aming labi. Sabay kaming pumikit nang dumampi ang labi sa isa’t-isa. Wala sa ritmo ang aming halikan nung una. Sloppy kiss kung tawagin nila. Pareho kaming baguhan ni Kevin sa ganitong mga bagay. Kaya’t ganito na lamang ang aming pagnanasa sa isa’t-isa at pagkauhaw na madama ang intimate na pagmamahalan namin. Naglakad si Kevin papalapit sa kama. Itinukod niya ang kanyang kamay sa ibabaw nito at dahan-dahan akon ipinwesto na parang mamahaling bagay na kay daling mabasag. Inilapag niya ako sa kama ng puno ng pag-iingat. Hindi naputol ang aming sloppy na halikan. Bagkus, ipinagpatuloy namin hanggang sa mahanap namin ang tamang ritmo at tiyempo ng aming halikan. Dama ko ang pagkasabik ni Kevin sa bawat pagkagat niya sa aki