Chapter 36: Fire On Fire “Okay ka lang, boss madam?” Hindi ko alam kung pakiramdam ko lang ba o ang pagkausap sa akin ni Kevin ay gamit ang namamaos niyang boses. Kumukurap lang ang aking mata habang nakatitig sa kanya. Naubusan ako ng salita at nawalan ako ng ideya kung paano siya kakausapin. Nanatili akong nakaupo sa dulo ng kama habang pinagmamasdan ang kanyang kilos. Tanging suot niya lang ay ang hapit na hapit niyang boxer na kulay puti. Halos mapunit na ang see through na tela ng kanyang boxer dahil sa… tigas at laki ng kanyang kargada. Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin lamang sa kay Kevin. Kumibit-balikat siya at ibinalik muli ang pagbuga niya ng hangin sa fireplace, pilit na pinapaliyab ang apoy. Halos mabingi ako sa lakas ng buhos ng ulan. Ang kidlat ang nag