Chapter 35: Ang Temptasyon Kung may huhusga man sa aking estado ngayon, malamang sa malamang na sasabihin nila ay nagbubuhay prinsesa ako. Literal na wala akong ginagawa. Nakaupo lamang sa isang silya habang pinagmamasdan ang hubad barong lalaki na pinuputol ang kahoy gamit ang palakol para may panggatong kami mamayang gabi. Pagpapaalala niya sa akin na nasa liblib kami na parte ng kung saang lugar man ito. Tanging si Kevin lamang ang may alam. Tinanong ko siya kanina kung anong lugar ba ang pinuntahan namin. Pero ang mutawi ng kanyang labi ay ang tawag daw sa lugar na ito ay ang Tahanan nina Boss Madam at Sir Amo. Alam ko, korny pakinggan kung sa iba o jeje. Pero iba ang takbo ng iyong isip kapag ikaw ay nagmamahal ng tunay. Maliit man o malaki, korni o hindi, tiyak ikakatuwa ng iy