Chapter 34: What A Man Like Kevin Gotta Do “Saan tayo pupunta?” tanong ko na nakaharap sa lalaking nagmamaneho ng kotse. Malawak ang ngiti nito mula nang lumabas kami sa camp site. Kanina pa ako tanong nang tanong sa kanya kung saan kami pupunta pero ang malawak niyang ngiti ang sagot sa bawat tanong ko. Napuno ng agam-agam ang aking isipan dahil hindi pa ako lumiban sa klase kahit kailanman. Oo, nalelate ako pero never akong nag cutting class. Hindi ko naman sinasabi na mabuti akong estudyante pero tinatanaw ko ang tuition na aking binabayad sa paaralan. “Kevin?” hindi ko na bilang kung ilang beses ko nang binanggit ang kanyang pangalan. Tantya ko ay lagpas na ito sa mga daliri ko. Nanatiling tuwid ang kanyang paningin sa daan, suot suot ang ngiti niyang hindi mabura-bura. Habang