Chapter 33: Kevin’s Possession

2179 Words

Chapter 33: Kevin’s Possession   “F-Flavio?” mahina kong pagtawag sa kanyang pangalan sa ere. Nautal ako sa kaba dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Para siyang leon na handa nang pagpipirasuhin  ang kanyang prey. Nagtangis ang kanyang panga, dikit ang makapal niyang kilay, at nakakuyom ang kamao. May kung anong lungkot ang bumakas sa kanyang mata nang sulyapan nito ang singsing sa aking kamay. Parang sinimento ang dalawa kong paa. Nahirapan akong igalaw sila. Sa pag-angat niya ng tingin sa akin ay napabuntong hininga siya. Walang sali-salita at tinalikuran ako at nagtatatakbo papalayo sa akin. Hindi ko magawang isigaw ang kanyang pangalan upang tawagin siya. Nanatiling umaawang ang aking bibig ng kaunti. Ayaw kong pagselosan itong muli ni Kevin kung maririnig niyang binibigkas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD