Chapter 32: Boss Madam And Sir Amo *Day Three of Remote Class* “Good morning, boss madam. Kape mo po,” Kakagising ko pa lang sa umaga at ang gwapong mukha na ni Kevin ang bumungad sa akin. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kanyang labi habang inaabutan ako ng isang tasang mainit na kape. Bumangon ako mula sa kakahiga at umupo. Kinuha ko ang kape na gawa niya para sa akin at binati siya pa balik. “Magandang umaga din, sir amo,” sagot ko sa kanya. Pareho kaming natawa dahil sa aming endearment. Classic no? Cliché na kasi pakinggan ang love, honey, baby at kung ano pa mang endearment na naisulat na sa bawat nobela. Umupo sa aking tabi si Kevin. Nakatingin kami sa labas ng tent. Mahamog-hamog pa sa labas at ang kulay abong langit ang senyales na medyo maginaw ang paligid. Humigop ako ng