Chapter 31: Officially His Hindi agad ako nakasagot. Parang nalunok ko ang aking dila kasama ng paglunok ko sa aking laway. Sa mga palabas ko lang ito nakikita at sa mga nobela ko lang ito nababasa. Pero ngayon, andito ako. Nakaharap sa isang gwapong lalaki na inaalok ako para maging nobya niya. Isa ba itong himala o sinwerte lang talaga ako? Napatingin ako sa kulay bughaw niyang mga mata. Puno ito ng galak at tuwa. Kahit ako rin naman ay gusto kong maglupasay sa lupa at umiyak. Isa ito sa mga bagay na akala ko ay hindi ko maeexperience sa tanang buhay ko. “V-Vi?” kabado niyang sambit sa aking pangalan. Ang kanyang kamay ay nagsisimula ng pag pawisan at nanginginig na ito habang hinahawakan ang singsing at kwintas na nasa loob ng kahon. Napakagat ako sa aking ibabang labi at da