Chapter 54: Thief Of Love

2257 Words

Chapter 54: Thief Of Love   Tatlong araw ang lumipas, nakalabas na si Flavio sa hospital. Abot hanggang langit ang kaba ko nung mga panahong ‘yon. Andun ‘yong mga isipin na baka hindi na sya mabuhay. Ano na lang ang gagawin ng pamilya niya sa akin? Nakokonsensya ako at sinisisi ko ang aking sarili dahil sa insidenteng siya mismo ang may gawa. May parte sa aking isipan na nagsasabing bakit ko sisisihin ang aking sarili gayung desisyon naman ni Flavio na itarak ang basag na parte ng bote ng alak sa ibabang parte ng kanyang tyan? Subalit, ang konsensya ko naman ay binubulungan ang aking tenga na kung hindi ako nagpumilit na umalis at iwan si Flavio ay baka hindi siya umabot sa desisyon na saksakin ang kanyang sarili mismo. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang natutulog na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD