Chapter 55: It Was Her Decision Sa sama ng aking loob, nakatulog ako sa kanyang kama. Nagising ako na medyo makulimlim na sa labas. Kinusot ko ang aking mata at napatingin sa aking giliran. Ang kaninag nakahiga na si Flavio ay wala na. Hindi ko maiwasang tubuan ng hindi maipaliwanag na kaba. Gayung nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kanina. “F-Flavio!? Flavio!” sigaw ko sa kanyang pangalan. Naka patay na ang telebisyon at tahimik ang buong kwarto. Kaagad akong lumukso paalis sa kama at tinungo ang banyo. Baka nanduon siya. Ngunit bigo ako sa pagbukas ko ng pintuan ng banyo. Walang kahit anong bakas ni Flavio sa banyo. Kaya patakbo akong lumabas ng kwarto niya. Panay linga ko sa bawat gilid, nalilito ako kung saan ko siya hahanapin. Sa iilang araw na pananatili ko sa kany