Chapter 56: Refused To See Him Papasok na ang kotse ni Flavio sa loob ng paaralan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Kinakabahan ako na parang natatakot at naaawa sa aking sarili. Sinundo niya ako sa bahay ko kaninang umaga. Hinawakan ni Flavio ang aking kamay habang ang sa naman niyang kamay ay nakahawak sa manibela ng kotse. “Are you okay, love?” Pilit akong ngumiti. “A-Ah, oo naman,” nginitian niya ako pabalik. Pumarke na siya sa parking lot ng skwelahan at pinatay ang makina ng kanyang kotse. Hinarap ako ni Flavio. Hinila niya ang aking kamay papalapit sa kanyang labi. Hinalikan niya ang bukong ng aking kamay at nagwikang. “Everything will be fine, okay? I’m here so there’s nothing for you to worry,” “Salamat,” pasimple akong ngumiti at napatango. Isang buwa