Chapter 57: What Went Wrong Araw ng Sabado, wala kaming pasok. Nakahilata ako sa sofa ng living room. Nanonood ng cartoon movies para kahit papaano ay malibang ako. Pilit kong ibinabalik ang sarili ko sa dating ako. Marami mang adjustments at desisyon na kailangan gawin ay pikit-mata ko itong ginagawa. Alang-alang sa ikakabuti ko ay ng mga taong nakapalibot sa akin. Kahit papaano ay nakakahinga ako ng maluwang sa bahay. Dahil kung sa classroom pa ay hindi ko magawa. Binabagabag ako ng konsensya ko kay Kevin tapos hindi na ako kinakausap ni Nika. Hay. Sabi nga sa kanta, “why do we always hurt the ones we love?” Mahal ko pa rin si Kevin. Ngunit, nahulog na rin ako kay Flavio. Hindi ko alam kung dahil ba sa awa o dahil ‘yun talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Si Kevin an