Chapter 23: A Day Before The Trip “You’re on time!” sabi ni Nika. Narinig ko ang school bell namin kaya napasandal ako sa back door na sobrang hinihingal. Nilapitan niya ako at inobserbahang mabuti. “Sumali ka ba ng triathlone, girl? Ba’t pawis na pawis ka at hinihingal? Kulang na lang ilawit mo ‘yang dila mo sa sobrang hingal,” bukambibig niya. Lumunok ako ng laway at luminga-linga sa paligid. Mabuti at wala pa si mam. Mabuti na lang talaga at hindi ako na late. Pero ‘yung dalawang lalaki… “Huy!” sabay pitik ng kanyang daliri sa aking harapan. “Kinakausap kita, Victoria,” mahina akong napailing at hinarap si Nika. “H-Ha? A-Anong sabi mo?” hindi ko nasundan ang kanyang mga salita. Bakit ba kasi sinundan ako ng dalawang lalaki kanina? Mukha tuloy akong sumali sa triathlone, kaga