Chapter 52: She Who Have Sinned “Putang ina,” hindi ko na mabilang kung ilang beses ng nagmura si Flavio. Hawak-hawak niya ang mapa na patungo sa hidden house na ginawa niya at ng kanyang ama nung 10 years old pa siya. I mean, ilang taon na ang lumipas. Matanda na siya kaya paniguradong nakalimutan na niya kung saan ang eksaktong lugar ng hidden house na ginawa nilang mag-ama. Ngayon, stranded kami sa kung saang parte man ng gubat. Inabot na kami ng gabi sa kagubatan ngunit hindi pa rin namin nararating ang lugar na kanyang nais na puntahan. Niyakap ko ang aking sarili. Nagsisimula ng lumamig ang ihip ng hangin. Kumakalam na din ang aking sikmura sa gutom at napapagod na ako sa kakalakad namin. Ayaw ko naman sanang manisi pero oo! Kasalanan talaga ‘to ni Flavio! Hindi ko ala