Chapter 51: Vulnerable Maaga akong nagising kinabukasan. Actually, wala akong maayos na tulog. Dalawang araw na akong walang sapat na tulog. Paano ba naman kasi, ang isip ko ay lumulutang sa kung saan-saan. Lalo na sa nangyari kagabi. Bakit bigla-bigla na lang umiyak si Flavio? Akala ko nga tabi kami matulog kagabi. Hindi sa gusto ko pero… nasa ibang kwarto siya natulog. Nakailanh katok ako at sambit ng kanyang pangalan. Pinilit ko siya na pagbuksan ako ng pinto pero ang mahihinang hikbi niya lang ang sagot. Alam ko sa isip ko na kailangan niya ng makakasama. Ngunit ang hindi ko pa rin masagot sagot ay kung bakit kailangan pa akong kidnapin? Bakit ako andito? Tutal maaga akong bumaba sa kwarto ay napag-isipan ko na maghanda ng agahan. Wala ng posas na nakalagay sa aking pulsu