Chapter 80: Tempting Don Julio Umiikot na ang aking paningin. Hindi pa ako nalasing sa buong buhay ko. “Wooh!” nagsisisigaw na si Don Julio habang nagsasayaw sa loob ng bar. Kaibahan naman sa akin na nasa tabi lang, nahihiyang sumayaw, nahihilo pa. Naiilang at hindi ako makatanggi sa bawat abot niya ng baso sa akin. Patay sindi ang ilaw sa bar at ang mga laser beam ay lalong nagpapalala sa aking pagkahilo. Hindi ko na mabilang kung nakailang baso o bote kami ng alak. Panay kwento si Don Julio sa buhay niya kung gaano daw ka sutil ang anak niya mula ng mamatay ang ina nito. Kahit anong pagpapakumbaba daw niyang gawin ay itutulak siya palayo ng kanyang anak — hindi pa rin daw nakikinig. Sinulyapan ko siya saglit. Hindi naman niya siguro ako mahahalata na nawawala sa danc