Chapter 81: Who’s Child Was It? “Dad! Dad!” Napamura ako sa aking isipan nang marinig ang pagsigaw ni Flavio sa living room. Kasalukuyan akong nakahiga sa braso ni Don Julio at niyayakap siya ng mahigpit. “Was that my son?” tanong ni Don Julio sa akin. Napairap ako sa ere. Supposedly, we should enjoy this rainy morning together. Sunday ngayon at wala siyang pasok sa opisina. One week na ang nakalipas mula nung charity gala. Pero heto, binubulabog ni Flavio ang magandang bungad ng umaga namin. “Dad!” palapit nang palapit ang boses ni Flavio at palakas nang palakas ang yabag ng kanyang mga paa. “That’s Flavio, isn’t it?” maski si Don Julio ay panandaliang naalimpungatan. Kinusot niya ang kanyang mata at malakas na humikab. Napatingin siya sa orasan at napakamot sa ka

