Chapter 82: I Know, He Knows Pareho kaming nakalublob ni Don Julio sa jacuzzi. Nakailang bote na siya ng alak at panay hithit niya ng tobacco. Nasa harapan niya ako, nakaupo sa kanyang paa. Magkaharap kami ngayon, nagkatitigan at walang kibo. Wala akong topic na kayang i-brought up ngayon. At si Don Julio naman ay hindi ko malaman kung ano ang takbo ng kanyang isipan. Napagdesisyunan kong basagin na ang katahimikan na sumasakal sa aming dalawa. “Tama na ‘yang pag-inom mo,” sabi ko. Kumibit-balikat siya at hindi nakinig. Tinungga niya ang baso ng alak na hinahawakan nya. Binuhusan niya pa ng panibagong alak ito kaya kumilos na ako at inagaw ang baso at bote ng alak mula sa kanyang kamay. Mahina siyang natawa. Nilayo ko ang bote ng alak at baso mula sa kanya. N