Chapter 83: Temptation Island Isang araw ang nakalipas, bigla bigla na lang nag-aya si Don Julio sa akin na may pupuntahan daw kami. Kasual nyang hinawakan ang aking kamay habang pababa kami ng hagdanan. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang inaayos ang aking buhok. “Temptation Island,” tipid niyang sagot sabay ngiti sa akin. Likas na palangiti si Don Julio kaya immune na rin ako sa mga ngiti niya. “Anong gagawin natin dun?” dagdag ko pang tanong. Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. “We are going to buy it for our honeymoon,” “Buy talaga? ‘Di pwedeng rentahan lang?” Umiling siya. “Nope. It is my gift for you,” “But that’s a little bit too much, don’t you think?” inayos ko ang kwelyo ng kanyang coat nang hindi ito pumantay. Hinawakan ni