Chapter 84: Where Is Don Julio Nagising ako na umuubo at sinusuka ang tubig dagat mula sa aking bibig. Hinihingal ako at parang uhaw na uhaw sa ere. Habol-habol ko ang aking hininga. At namalayan ko na lang na nasa tabi ko si Flavio na hinahagod ang aking likuran. Napatitig ako sa kanyang mukha. Alalang-alala niya akong tinignan. Namumutla ang kanyang labi at nanginginig. Tumatagaktak ang tubig mula sa kanyang mukha pababa. “Thank God, you’re awake,” bigla niya akong niyakap at hinagkan sa noo. Nang makakuha ako ng sapat na lakas ay tinulak ko sya papalayo sa akin. “Na-Nasaan ako?” iginala ko ang aking paningin at makulimlim na ang kalangitan. Nasa dalampasigan kami. Basang-basa at may pira-pirasong plywood at mga bakal ang nagkalat sa dagat. Kumunot ang aking noo