Chapter 25: Team ViVi “Andito rin pa la ang nag-iisang anak ng mga De La Fuente. Magandang gabi sa’yo, Kevin,” nakipaglamano ang dad ni Nika kay Kevin. “Magandang gabi rin po, tito,” pabalik na pagbati ni Kevin sabay bitiw ng magalang na ngiti. Hindi ako na inform na kilala pa la ng pamilya ni Nika ang dalawang lalaking ito. Well, birds with the same feathers, flocks together, ika nga. Sa mansion na bahay pa lang ni Nika ay alam mong may kaya na siya sa buhay. At si Flavio, usap-usapan din na galing siya sa mayamang pamilya — which is very obvious naman. Siguro pati na rin si Kevin. Dahil iba rin kung makipag-usap ang dad ni Nika sa kanya. Baka magkakasosyo ang mga magulang nila sa iisang business. Nalipat ang tingin sa akin ng dad ni Nika matapos nilang paglamano.