Chapter 26: Flavio’s Threat “K-Kevin!” kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon. Letse ‘yang pick up line na ‘yan! Kinikilig ako na nahihiya din. Tawa lang nang tawa si Kevin. Lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa. Inihilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Tumikhim siya at huminga ng malalim. “Alam mo, Vi, hindi pa ako nakapag pick up line ng ganoon ka bastos sa iba,” sabi niya. “Oh? Ano ngayon? Sabi mo ‘di ba hindi ka pa nagkakarelasyon kaya paano ka makakapag pick up line ng bastos sa iba?” sagot ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. “Naalala mo ‘yun?” tanong niya. “Ang alin? Na sinabi mo na hindi ka pa nagkakarelasyon? Oo. Sinabi mo sa amin ni Nika eh,” napakamot siya sa kanyang ulo at mahinang natawa. “What I mean is that… hay ‘di bale na nga lang,” nahihiya niya