Chapter 27: Falling For Kevin “Nggh,” napamulat ako sa aking mga mata at mahinang humikab. Unang rumehistro sa aking paningin ang kwarto ni Nika. Oo nga pa la. Nag sleep over kami kagabi. Napuno kami ng tawanan, kwentuhan at pagkikilanlan sa isa’t-isa. Sa labas ng bintana ay kulay abo pa ang kalangitan. Tantya ko ay alas sinco pa lang ng umaga. Usually kasi ay alas sais sumisikat ang haring araw dito. Medyo fogy din sa labas. Parang masama ang timpla ng panahon ngayong umaga. Napunta ang atensyon ko sa mahihinang hilik ni Nika. Sabi nga niya sa amin kagabi na tulog mantika daw siya pero pag may importanteng lakad ay hindi raw siya nahuhuli. May pasok kami sa skwela ngayon pero camping na namin. Anually o taonan itong nagaganap. Hindi ko rin naman masisisi si Ms. Shontelle kung gus