Chapter 60: And So, The Nightmare Begins “Class dismissed,” Natapos ang huling subject namin ngayong araw. Panibagong araw, panibagong lungkot na naman. Sa buong durasyon ng klase ko ngayong araw ay tikom ang aking bibig. Nilalayuan ako ni Nika at hindi pumasok si Flavio. At higit sa lahat, nabalitaan ko na lang mula sa announcement ng teacher namin na lumipat na si Kevin ng paaralan dahil nag migrate abroad. Nawalan ako ng gana na pumasok sa skwelahan dahil sobrang lungkot ko. Kanina ko pa gustong umuwi at umiyak na naman. Dalangin ko na sa bawat luha napapatak sa aking mata ay maibsan ang pagdadalamhati at pighati na aking nadarama. Sa tanang buhay ko, hindi ko inimagine na magiging malungkot ako sa pagiging mag-isa. Noon, sanay akong mamuhay ng mag-isa at walang kaklase