End of Season 2 Chapter 61: Who’s Your Daddy? “f**k!” malakas akong napamura. Natawa ako sa aking sarili habang binabaliktanaw ang aking pagiging tanga. Gosh, I shouldn’t have let my heart control my head. Umahon ako mula sa pagkakalublob sa bath tub at nag banlaw. Mahigit thirty minutes din ako rito. Iniispoil ko ang aking sarili sa mga bagay na hindi ko natamasa noon. Ang mga oportunidad na ipinagkait niya sa akin. Ang mga pagkakataon na dapat ay nagpapakasaya ako sa aking tagumpay ngunit inilibing niya akong lugmok at talunan. Ngunit sa labang ito, sisiguraduhin ko na siya ang uuwing luhaan. I will not be the person who I am right now if it ain’t because of him. Putang ina niya. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanya. But I guess, karma comes back in town