Chapter 43: A Word From Daddy Emmanuel Gabi na ng magising ako. Eksaktong alas sais. Hindi muna ako bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Humikab ako at tiningnan ang aking kapaligiran. Naka sindi na ang lampara sa mesang nakalagay sa bandang kanan ng kwarto. Nang sinulyapan ko ang gawing likuran ko, naiwang nakabukas ang bintana. Sa lakas ng hangin sa labas ay tinatangay nito ang kurtina at malayang nagpatianod sa bawat ihip ng hangin. Napabangon ako mula sa pagkakahiga at sinarado ang bintana. Sinuot ko ang tsinelas. Doon ko napagtanto na bumalik na ang buong lakas ng aking tuhod. Grabe, ang nangyari noong nakaraang gabi ay sobrang intense. Sa tanang buhay ko, ngayon ko palang maramdaman ang pagwala ng lakas ng aking mga tuhod. Sinapo ko ang aking lagusan. Unti-unti na rin iton