Felix's POV Ikukuha ko sana ng maiinom na tubig si Pretzel ngunit pagpasok ko sa loob ay bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero. Inutos ko kay Felicity na dalhan si Pretzel ng tubig dahil sasagutin ko muna ang tawag sa pag-aakalang napakahalagang bagay iyon dahil numero pa ng telepono. Lumabas ako't naghanap ng lugar na may malakas na signal bago sinagot. Kapag sinagot ko na kasi at mahina ang signal sa lugar kung nasaan ako'y tiyak hindi lang kami magkakaintindihan. Akala kung ano at sino, ang tumatawag pala'y staff sa isang resort di kalayuan sa kung nasaan kami. Meron daw lasing isang guest na nagwawala sa resort nila. Inutos daw nitong tawagan ang numero na binigay niya at papuntahin doon. Pagkarinig ko pa lamang na babae ang nag-utos ay nagkaroon n