Kabanata 77

1887 Words

Natulog sa sahig si Felix habang magkatabi sa kama sina Pretzel at Felicity. Para siyang gwardiya sa buong magdamag, pinakikiramdaman kung may gagawin anuman ang kakambal niya. Gusto na nga niyang hilahin upang pareho silang sa sahig ngunit baka kung ano ang sabihin sa kanya ni Pretzel. Wala siyang pakialam kung magalit sa kanya si Felicity ngunit kapag si Pretzel na ang usapan ay natatakot siya. Unang nagising si Felicity at ginising niya si Pretzel upang mag-yoga silang muli sa labas, magpaaraw. Bumangon na rin si Felix at sumama sa kanila kahit hindi naman siya sumali sa kanila. Nagpakaasungot lang talaga. Binabantayan niya si Pretzel, baka matumba o ano upang alalayan lang ito. Iniwan niya ang cellphone niya sa bahay at nang bumalik sila ay saka lang niya nakita ang labintatlong mis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD