76 Naghahapunan na sila nang mapansin ni Pretzel na wala ang mag-ama ni Nanay Caring. "Nay? Lumaot po sila Tatay?" Takang tanong nito habang kumakain. "Hindi anak, may sinundo lang sila." Sagot nito nang hindi tumitingin sa kanya. "Sino po?" Sunod niyang tanong dahil at hindi pa rin maalis ang pagtataka. "Kaibigan niya. Malapit lang naman." Tugon ng matanda. Nasa hapag sila nang mabulabog ng malakas na ingay ng dumaang chopper. Nagulat pa si Aling Caring at kinabahan bigla. "Jusmiyo! Mukhang lalapag sa bubong natin. Napakababa naman niyon." Nasabi nito sa takot. "Napakawalang modo naman 'yun. Gusto po yatang paliparin mga bubong natin." Ani Pretzel sa inis. Halos mabingi sila sa ingay nito at napahinto silang lahat sa pagkain. Napatakip ng tenga ang dalawang batang apo ni Nanay