*Sa Isla "Bakla?" Kalabit ni Pretzel sa kaibigan. Tinitignan kung gising pa ngunit mukhang himbing na himbing nang natutulog sa mismong higaan ng dalaga. Hinayaan na niyang doon matulog dahil hindi ito makatagal sa sahig. May mga unan namang nakapagitan sa kanilang dalawa at kampante naman siyang wala itong gagawin na di niya magugustuhan gaya na lang ng kuya niyang asungot. Malalim na ang gabi, kung gaano kalalim huwag niyo akong tanungin.(Hehe, epal lang si Author ngayon.) Bandang ala una na iyon at wala siyang makitang pagkain sa ref na gusto niyang kainin. May hinahanap siya ngunit hindi siya sigurado kung ano kaya ginigising niya si Felicity upang samahan siya sa kabilang bahay, kila Aling Caring. Baka mayroon silang pagkain na magustuhan niya sa tindahan nila. "Bakla?" Gising ni