Pretzel's POV "Bago po 'yan Nay, may gusto muna po akong malaman." Usal ko. Kanina pa ako nagtataka at nagdududa sa mga napapansin ko. Gusto ko 'tong itanong kanina sa kanya kaso tinulugan naman ako, ito na siguro ang tamang pagkakataon. "Sige, mas mabuti. Akala ko ako ang magiging host dito sa tapatan ninyong dalawa e." Biro ni Nanay Caring, sinusubukang pagaanin ang atmospera. Lumunok muna ako saka siya tinignan. Nakatingin naman na ito sa akin at naghihintay. "Paano mo nalaman na nandito ako sa isla?" Tanong ko. Napaayos siya bigla ng upo at nakita ko ang mabilis niyang pag-iwas ng tingin. Nakatuon lang sa kanya ang mga mata namin ni Nanay Caring at kami naman ang naghihintay ng isasagot nito. Binibilangan ko na nga siya sa isip ko. Isa, dalawa, tatlo. Ang tagal naman. Apat, lim