Umiiyak na lumabas ng pinto na bahay ng mga Martincu si Elyana. Takbo't lakad upang mabilis na makaalis sa lugar na iyon na minsan ring naging tahanan niya noong bata pa siya. "Wala na talaga." Aniya. Nakuha na ng babaeng iyon pati puso ng kanyang kinilalang pangalawang ina. Wala na siyang kakamping natitira rito sa Pilipinas. Lahat sila'y kinuha na niya sa kanya. Paglabas niya ng gate ay saktong pagliko ng isang sasakyan sa mismong harap ng gate kung saan siya galing. Nakasisilaw ang liwanag nito na halos bumulag sa kanyang mga mata. Hinarang niya ang isang kamay sa mukha upang panangalang sa nakasisilaw na liwanag. Pinatay ng nagmamaneho ang ilaw at makina nito. Nadinig ni Elyana ang pagbukas at sara ng pinto ng sasakyan at dahil maliwanag ang paligid gawa ng mga ilaw sa poste ay ag