Third-person POV *Philippine Airlines Tanghali na nang makarating sa Maynila si Elyana. Inis na inis sa buong magdamag at hindi makatulog dahil sa galit na nararamdaman para sa mga dating matalik na kaibigan. Pakiramdam niya'y trinaydor siya nina Felix at Felicity dahil sa pagkampi nila kay Pretzel. Hindi niya matanggap na ganoon ang kanyang mararanasan sa pag-uwi sa Pilipinas makalipas ang maraming taon at lalo na mula pa sa mga taong napakalapit sa kanya at maging sa kanyang mga magulang. Bukod sa pinahiya'y labis siyang nasaktan dahil mistulang napakasama niyang tao upang ipagtabuyan nilang dalawa magkakambal. Parang wala silang pinagsamahan nang napakahabang panahon at dahil lahat iyon kay Pretzel. Hindi niya matanggap na ipagpapalit siya ng dalawa sa isang babaeng wala namang ib