Nagising si Pretzel mula sa isang panaginip. Hindi naman isang klase na matatawag na bangungot kung saan pipilitin nang ninuman na putulin at magising na lamang. *Flashback Nakita niya ang sarili sa isang harden na puno ng mga puting bulalak. Mag-isa lamang siya at walang sinuman naroon. Napakarami ring mga paru-parong nagliliparan sa paligid. Naghahabulan at maligalig. Napakasariwa ng hangin na kay lamig rin kapag tumatama sa kanyang balat. Nakasuot siya ng bestidang lagpas tuhod ang haba. Kulay asul na may mahabang mangas hanggang siko at may butas sa magkabilang balikat. Nakatali ang kanyang mahabang buhok nang maayos at nakasuot ng sandalyas na estilong gustong-gusto niya. Flat na sandals na kulay itim na may mahabang lubid na kailangang ipagkrus ng ilang beses sa binti bago ilubid.